Bukas, isang
panibagong buwan na naman ang aking bibilangin para sa susunod na idadagdag na
bilang ng ating pagmamahalan.
Kung minsan
nakakalimutan ko kung ilang taon, buwan na ba tayo. Mabilis kasi itong
lumilipas na hindi ko masyadong namamalayan.
Sabi nga nila,
hindi naman yon sa ikli o sa tagal ng pagsasama, hindi yon ang sukat. Ang
mahalaga ay nagmamahalan, nagdadamayan, nagkakaintindihan at may tiwala sa
isa't isa.
Hanggang ngayon,
buo pa rin ang tiwala at pagmamahal ko sayo na kung minsan mas lumalaki pa ito
sa bawat pagkakataong napapatunayan mo sa akin.
Alam ko, masyado
na siguro akong kampante sa ating pag iibigan pero sa puso ko, alam kong may
patutunguhan ito.
Sa totoo lang,
walang puwang sa puso ko ang hinanakit, galit o anu pa man. Basta ako
masaya dahil may nag iisang ikaw na katangi tangi at minamahal ko.
Hindi man
perperkto ang mundo, nariyan ka pa rin para punan ang kulang ko at ako rin,
punan ang kulang sayo.
Mahal kita - dalawang
salita pero abot na yan sa milya ng ating distansya.
Ako'y
maghihintay, uunawain ka at patuloy na mamahalin hanggang sa kaya kong ibigay.
Miss na miss na
rin kita, hindi ko lang masyadong sinasabi sayo dahil pinupunan mo naman ito ng
paramdam mo na kung tutuusin, sapat na iyon sa katulad nating ganito ang
sitwasyon.
Kakaiba nga
naman ang pinasok nating buhay, nariyan ang low morale na tawag nila, pero go
ahead pa rin tayo. Nevermind na yan basta ba mahigh morale mo lang ako.
*Written
January 2011
**FB Notes
**Kabaliwan
days
0 comments