Tuloy Ang Byahe ng Pag ibig

Saturday, February 09, 2013

Ilang bagyo man ang dumating
Ilang flat tire man ang papalitan
Ilang hitchers man ang dumaan
Ilang gas man ang maubos


At ilang distansya man ang aabutin,
Tuloy tuloy pa rin ako sa byahe
sa tinatawag na tamang pagmamahal
 sa tamang pagkakataon at sa tamang nilalang

Hindi ako susuko sa kahit isang saglit lang
Alam kong may hinanda para sa akin
Isa, hihila sa akin pababa
At ang isa na hihila sa akin pataas

Hindi man perpekto ang mundo
Hindi man ako pagbigyan ng kapalaran
Hindi man ako pakinggan ng panahon
At hndi man ako pagbigyan ng kahit anong paraan

Para sa akin, sapat na ang karanasang
 marunong akong magmahal;
 ngmahal at nagtiwala sa pag-ibig
 ngunit hindi naging perpekto sa inaasahan.

Aaminin ko, akala ko yun na ang huli
 ngunit hindi pala dahil kung hindi ko susubukin muli,
 pano ko makilala ang tinadhana para akin.

Alam ko madami pa ring pagsubok ang darating,
 kung sya na nga ba o hindi pa
 ngunit naniniwala akong kung tayo'y hawak kamay, 
malalampasan natin to sa tulong ni Ama

Tuloy ang byahe,
 tuloy ang byaheng magkasama. 
San man ako dalhin nito,
 tuloy pa rin.



**Written 2010
**Facebook Notes

  • Share:

You Might Also Like

0 comments